Ang daming tao sa mundong ito
Ang daming babae sa paligid mo
Mas magaganda at mababait
Mas magaganda ang ngiti at nakakackit.
sa dinadami dami ng maaari mong piliin
Ligawan at mahalin
Bakit ka nagawi sa akin?
Gayong hindi naman ako kapansin pansin
Bokit ako pa ang napi mo?
Bakit kalangan ako’y magkaganito?
Sapat bang ako’y nasaktan mo?
Masaya ka na bang nagdurusa ako?
Tila kay daya ng tadhana
Pinaasa lang ako sa wala
Pinaramdam lang ng konting saya
Pinawi na din agad bigla.
Nawa’y sa mga tulang ito
Maibuhos ko lahat ng pagdurusa ko
Mapawi lahat ng kalungkutan ko
Malimutan lahat ng ginawa mo.